Martes, Mayo 29, 2012

Paglilitis, Pagmamalinis at Pagkainis

Madaming nag-abang, madaming na-buang at marami din ang nalibang... pero ako hindi ako natuwa sa nangyari sa naging paglilitis, sa paraan kung paano nilitis, sa rason kung bakit niitis at kung paano nailitis ang dating Punong Mahistrado ng Korte Suprema na si Renato Corona.

Eto ang mga dahilan kung bakit hindi ko nagustuhan kung anu ang nangyari (hindi ko isinusulat ang mga ito dahil Pro-Corona ako), eto ang mga narealize ko.

1. mas mabilis ang magiging pag-usad ng paglilitis kapag ang nasasakdal o kasangkot ay isang opisyal ng gobyerno. (ok sana yun kaso lang parang unfair din naman yata yun sa mga mahihirap na may mga isinampang kaso) kung tutuusin sabi nga ni Sen. Francis Escudero matagal na nga daw yung 44 na araw ng naging paglilitis sa aso ng Punong Mahistrado.

2. Subjective ang batas na ginawa ng tao (kung iisipin mong mabuti at naintindihan mo yung mga sinabi ng lahat ng mga senador, alam ko wag ka ng magpalusot nakakaantok yun, malalaman mo kung anung sinasabi ko.)

3. Total waste ng air time ang special coverage ng Trial (kaya total waste din ng oras tong pagsusulat ko tungkol dito.)

4. May Constitutional crisis at inconsistencies of law ang Pilipinas (kung kanina sumang-ayon ako sa sinabi ni Sen. Escudero na dapat matapos na agad ang paglilitis at pagtuunan na nila ng pansin ang mga bagay na mas dapat nilang pagtuunan ngayon naman sa sinabi nya na wala daw inconsistencies at hindi daw nagbu-bungguan ang batas sa bansa hindi ako naniniwala.)

5. Nilalait ng mga Pilipino si Lito Lapid dahil bobo daw sya (para sa akin mas bobo yung mga bumoto sa kanya. pero on the other hand IDOL ko si Lito Lapid, bakit? sige nga subukan mong hatiin sa gitna yung bala ng baril tapos patamain mo sa 2 tao! Mahirap yun!)

6. Nagpapakasaya ang ibang mga tao dahil hindi sila mga pulitiko at hindi sila parte ng sistema (nakita ko yung tweet ni Kim Atienza kanina and I quote "I am so happy I am not in politics. sarap ng buhay." tarantado pala sya e kung iisipin nyang mabuti yun lahat ng tao pare ng sistema ng gobyerno dahil bumoto, bumuboto at buboto lahat ng tao. ang di bumoto walang karapatang magreklamo. Ang point ko lang dapat bang magsaya ka dahil hindi ka pare ng isang palpak na sistema? sa palagay mo ba hindi ka maapektuhan ng bulok na sistemang yun? dapat mo bang ikasaya na nasa media ka, sa showbiz, sa industriya ng pagnenegosyo? e puta pare pareho lang yan may kanya kanyang dumi din yan.)


7. Social Media + Politics + Ignorance + Irresponsibility = Failure (sa lahat ng napag tanto ko ngayong araw na to eto ang isa sa pinakamalupit.)


8. CJ CORONA TRIAL is a FCUKING ALIBI! (para sa akin isang malaking kalokohan lang yung ginawa ng Senado sa 44 araw ng paglilitis, kung yun man ang tawag nila sa ginawa nilang yun. Bakit? kasi sa nakita ko parang anu bang magagawa nang pagkakatanggal ni RENATO CORONA sa Korte Suprema bilang Punong Mahistrado? Mababago ba ang sistema? Mawawalan ba ng corrupt? ng manloloko kaya? mga tiwaling opisyal? may magiging pag-unlad kaya? sesegundahan ba naman kaya yan? makukulong ba si Corona? san mapupunta yung $2.4 M ni Corona na pinag-ipunan nya daw kasi daw wala daw silang katulong sa bahay! putang ina. kung gusto ng pagbabago sa sistema isa lang ang nakikita kong solusyon marahil imposible at baka sabihin mo gago din ako pero isipin mong mabuti to... alisin ang lahat ng mga namumuno sa gobyerno simula sa Presidente ng Pilipinas hanggang sa Brgy Chairman a mga konsehal... bumoto ng panibago.) 




Marahil ang nabasa mo puro reklamo pero ang puno't dulo ng lahat ng kalokohan at katarantaduhan na nangyayari sa bansa e nagmula pa sa pagkabata ng mga taong gumagawa ng mga ganoong bagay, kung naturuan at nagabayan sila ng tama hanggang sa sila ay lumaki e di sana tama din ang kanilang mga paraan. Kayo ang mag desisyon... lahat ng ito ay pananaw ko hinggil sa aking mga narinig, nakita at naintindihan... pero eto ang iiwanan kong katanungan para sa inyo..... ANO NGA BA ANG KONSEPTO NATING MGA PILIPINO SA "TAMA"?

6 (na) komento:

  1. Let me share you what our Pastor told us. may tatlong bagay kung paano mababago yung estado ng Pinas; and its for the long term. Una, dapat magkaroon ng Cultural Stability. mahalin natin kung ano tayo at tama na ang pag-gaya sa ibang bansa, kelangan magkaroon ng sariling identity ang Pinas. Second, Political Stability, ayun kung paano eh ewan. Next yung economic stability, and mangyayari lang yun kung may political stability tayo. perfect example, South Korea.

    TumugonBurahin
  2. err. observations mostly, pero eto: 1. Maka Chiz Escudero ka. I was too, although may mga halaga yung sinasabi niya, I can't help but also see his ambition to run for office the next time.

    TumugonBurahin
  3. ‎2. yung number eight mo, is exactly what Miriam Santiago said. Although may point kayo, the matter at hand is CJ (ex) Corona.

    TumugonBurahin
  4. Hindi ako sang-ayon sa sinabi mo na tanggalin ang lahat tapos bumoto ulit ng panibago mula simula hanggang dulo. that would be political chaos. Palakasan ang mangayayri, power play. Kung sino may pera, pwede magbayad, kung sino yung macharisma yun ang may chance manalo..

    TumugonBurahin
  5. Inggit ako Kay pe, so magcoconment din ako. :D

    Di pwede yung shuffle, Magkakagulo yun. Imagine mo nalang ang mangyayari pag nawala lahat, Tas may gusto lahat sa top position. Magulo db? Pano pa kapag yung gusting position pa nila...?

    Tas yung 8, agreed. Kea nga yung last day ang pinakinggan ko hahaha :D

    TumugonBurahin
  6. hahaha yan ang gusto ko may comment hahaha

    TumugonBurahin