Huwebes, Mayo 24, 2012

Si Gaga at ang mga gagong tao, Corona at ang koronang hindi napunta kay Jessica

Etong linggong to ay napaka ng mga nangyari at narinig ko sa balita.... sigurado ako kahit ikaw napamura at nabwiset sa mga naganap.... eto ang tingin ko at masasabi sa mga nangyari nitong mga nagdaang araw sa bansang Pilipinas....

Una, tungkol dun sa concert ni Lady Gaga (para mga hindi nakakaalam siya yung singer na 5-time Grammy award winner at hindi naman siguro sya satanista tulad ng mga sinsabi ng mga Pari na wala na yatang maiturong pulitiko o demonyo kaya sya na lang napagdiskitahan at dun sa mga taong wala yatang pambili ng icket kaya nagprotesta gusto makalibreng nuod ng concert) for God's sake, pinalaki ako ng mga magulang ko na Katoliko at sumisimba naman ako tuwing linggo pero tang ina naman kalokohan na ipasok mo ang matigas at baluktot mong paniniwala sa relihiyon sa konsepto ng arts. Napakalaki ng pagkakaiba nun, pati mga pulitiko wala na rin yatang maisip na batas kaya yung concet na lang ni Lady Gaga ang ipapatigil nila para maging matunog sila sa tao at iboto sila ng mga bobong botante sa susunod na taon. (ewan ko lang kung iboto sila ng mga fans ni Lady Gaga sa gagawin nila). para lang klaro hindi ako bumili ng ticket para makapanuod ako ng concert, hindi naman ako "little monster" at lalong hindi rin ako atheist o satanista kasi uulitin katoliko ako at naniniwala ako sa Diyos pero hindi sa mga sinasabi ng mga kupal na nagmamarunong kung anu ang maka Diyos at alin ang hindi at ang kabastusan, kabaktutan at kademonyohan nasa isip lang ng tao yan... Medyo heretic pero wala akong pakialam kasi yun ang ako... kaya di umaasenso ang Pilipinas e kasi maraming naiinggit, kapag nasa taas ka pipilitin ang hilahin pababa at kapag nasa baba ka naman aapakan ka pa... e ba nung kinanta ni Maria Aragon yung Born This Way ni Lady Gaga natuwa kayo? e kayo pala ang mga racist e...

Pangalawa, yung Impeachment Trial kay Chief Justice Reynato Corona... Isang napakahabang privilege speech ang ginawa nya... nakakaantok, predictable ang mga sinabi at sigurado ako ganun din ang magiging ending, PREDICTABLE din... pucha sa hinaba-haba ng mga pinagsasabi nya e lahat yun bullshit lang tapos nagbigay sya ng waiver na pumapayag sya na buksan yung lahat ng bank accounts nya pero dapat bubuksan din yung mga bank accounts ng lahat ng senador na pipirma dun? sira ulo ba sya? sa palagay ba nya papayag yung mga yun e siguradong magkakalabasan na sila ng baho sa senado.... sa kabilang banda ok din yun para magkaroon na rin ng transparency sa pagitan ng mga pulitiko at ng mga tao dahil yun din naman ang gusto nila.... tapos dumale pa sya ng isang walk-out anak ng puta naman o! sa palagay mo ba kakagatin ng tao yang mga padale mong ganyan? ginaya mo pa si gretchen barretto di na uubra yan... may isa lang akong tanong sa mga senador "pagkatapos ba nyang trial na yan at napatunayan na may 10 million dollars si CJ Corona san mapupunta yung pera? sa bulsa nyo o sa kaban ng bayan na papakinabangan ng mga tao? tsaka  makukulong ba si CJ Corona? at alam nyo bang dahil trending ang word na Corona sa Twitter e nagkaroon ng lbreng advertisement at promotion ang beer na Corona...

Ikatlo, ang pagkatalo ni Jessica Sanchez sa American Idol.... ang resulta, kaboom! 90 milyong bitter na mga Pilipino. ang tanong ko naman bumoto ka ba? para lang yang eleksyon ng mga pulitiko yung mga tao nagagalit kapag corrupt yung nanalo sa eleksyon ang tanung ko naman "bakit bumoto ka ba?" kaya nga AMERICAN IDOL yung title nung contest e malamang Amerikano din ang mananalo... pa contest mo ba yun? e di gumawa ka ng FILIPINO IDOL tapos papanalunin mo mga purong pilipino lang... yan kasi ang hirap sa ating mga Pilipino e tuwang tuwa tayo masyado sa kultura ng mga banyaga pati tuloy yung sarili nating pagkatao e nakakalimutan na natin... ang malma pa dun baka wala talaga tayong sariling kultura at kaisipan, lahat foreign sa atin pati sarili natin foreign na rin... tapos magagalit ka kasi hindi nanalo si Jessica? mag-isip ka muna at maging masaya ka na lang para sa kanya dahil sigurado ako sisikat din dun si Jessica Sanchez kahit di sya yung nanalo...



Anung point ng post ko na to? isipin mo tang ina may utak ka naman siguro....


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento