Diba nung mga bata tayo mayroon tayong mga gusto maging, yung mga tipong idol o kumbaga e iniisip natin na gusto nating maging ganun balang araw... tungkol dun sa bagay na yun ang dahilan kung bakit ko naisipan mag-blog... kasi dati nung bata ako gusto kong maging piloto, di ko rin alam kung bakit pero baka dahil yun sa mga nakita kong mga eroplano at mga fighting jets nung field trip namin nung kinder ako... pero ngayon naisip ko na bakit hindi ko itinuloy yun ang bangis kaya na piloto ka, mag dadrive ka ng eroplano (kung driving nga talaga ang tawag nila dun) tapos marami pang magagandang flight attendants (libre chix :P) bangis pa ng uniform...
Tapos nung nag highschool na ako sabay ko naisip na guso kong mag pari at maging rockstar at the same time... kaya yata di ako natuloy sa pagpapari kasi isipin mo yun may pari bang naka suot ng sutana pero kumakanta ng Enter Sandman ng Mettalica, o di kaya e Hard Days Night ng Beatles tapos sumasayaw na parang katulad nina Mick Jagger at Freddie Mercury... baka wala ng sumimba at ituring na satanista yung mga maniniwala sa mga sasabihin mo... bakit ko nga ba gustong mag pari dati, dahil 8 taon akong sakristan! Oo! tama ka 8 taon!!! tapos naging presidente pa ako ng samahan ng mga sakristan sa aming eskwelahan... eh samantalang ngayon hindi maniniwala kahit batang musmos na minsan naging sakristan ako kasi naman sa paraan ng pagsasalita ko talagang malupit.. pang rated 18 kumbaga... tapos kaya ko gustong maging Rockstar kasi yun ang IN... sino ba naman ang ayaw maging IN... yung Rockstar na tipong hinahabol ng mga magagandang babae, tapos wala silang pakialam kahit pagsabay sabayin mo sila matutuwa pa yun. tapos ninais ko din na kumanta at magkaroon ng boses na tulad nila, lalo na yung boses ni Adam Levine ng Maroon 5, Rob Thomas, John Mayer at Bamboo, lahat naman kasi ng mga Pilipino mahilig talaga kumanta... wag kang tatanggi kasi sigurado ako minsan sa buhay mo kahit minsan nag videoke ka sigurado yun! kapag hindi pa, kalahati ng buhay mo nawala!
tapos ginusto ko in maging rapper, katulad ni Eminem, Lil Wayne, Birdman, Dr. Dre, Kanye at Jay-Z isama mo na rin si Andrew E., SALBAKUTA, Blackjack at yung mga kumakanta ng mga walang kwentang kanta (yung mga tipo ng rapper na masabi lang na nag rarap sila)... oo yung mga baggy pants na super low waist.... saktong sakto pa sakin yn kasi maitim ako (walang halong agka racist to, sadyang maitim lang talaga ako at hindi ako kayumanggi, matagal ko ng tanggap yun gago!) tapos yung mga slang, yung mga tipong Yo! Yow! yeah!, yung mga maluluwag na damit, yung mga Jersey nila na pang tatay tapos sinusuot nila kahit di naman kanila, yung mga necklace na mas mabigat pa yata sa mga katawan nila kasi kalimitan sa mga rapper e payat (pwera na lang kay Dr. Dre, Nelly at LL Cool J) yung mga saklob nila na "snapback" pala yung tawag at hindi pala basta "cap" at yung kakayahan nila bilang mga tunay na "artists" yung passion at yung history ng hip-hop yun ang hinangaan ko sa kanila... madalas nga lang nami-misinterpret...
bakit ko nga ba isinulat to? para ba ma inspire ka? para mag retrospect ka at i check ang sarili mo kung natupad mo ang mga pangarap mo nung bata ka? para ba maging Rapper, Pari, Piloto at Rockstar ka? ikaw bahala ka mag-isip kung anung dahilan... sabi nga nila bawal MAGING TANGA sa panahon ngayon... pero basta ang alam ko kaya ko isinulat to e dahil nakikinig ako ng kanta ni Tyga at Chris Brown na ang title e Snapbacks Back at dahil dun gusto ko ng Snapback cap! yun lang yun....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento