Huwebes, Mayo 24, 2012

Pera o Karanasan, mamili ka hindi kasama yung "o" sa pagpipilian ha

Isang gabi, naguusap ang kapatid kong bunso at ang nanay ko. Biglang nagtanong ang kapatid ko kung pwede daw ba syang sumama sa mga kaibigan nya papunta sa isang sikat na theme park...








Nanay ko: wala akong pera, (well di naman sa sinisiraan ko ang nanay ko pero ganyan naman ang usual na sagot ng nanay ko kapag magpapaalam kami sa kanya)
Bunso: Anla....
Nanay ko: aba diba may pera ka naman?! (totoo naman kasi na may sariling pera yung kapatid ko, medyo kuripot at mautak lang talaga asi yun pagdating sa mga naipon nyang pera)
Bunso: e nagiipon ako e... may gusto akong bilihin, di na lang ako sasama) 
Nanay ko: (medyo natuwa, na medyo nalungkot kasi di na naman nya naibigay yung gusto ng kapatid ko) tapos ayun umepal ako..... 
Ako: bunso, kung gusto mong sumama dun, sumama ka papayagan ka naman nina nanay at tatay e yun nga lang gagastusin mo yung pera mo. 
Bunso: anla ayoko nga kasi may gusto akong bilihin.
Ako: e anu bang mas gusto mo? makapunta ka dun sa theme park na yun o mag-ipon ka na lang ng mag-ipon ng pera? yang pera nauubos yan, di mo rin naman yan pedeng sakyan tulad ng mga rides dun sa theme park at lalong hindi ka rin bibigyan nyan ng mga memories na hindi mo malilimutan... 
Nanay ko: (napaisip, namangha siguro na naiisip ko din pala yung mga bagay na yun at nagulat kasi akala niya wala na akong alam kung di gaguhin at asarin yung bunso kong kapatid, natuwa kasi naging kuya ako sa pagkakataong yun)
Bunso: (napaisip kung sasama ba sya o hindi)



           Marahil iniisip mo kung anung point ng post na to pero isa lang ang iiwan kong tanung sa iyo, ikaw ba anung mas gusto mo PERA? o KARANASAN? this goes to show that money maybe can buy you happiness kung yun ang sabi ni blair ng gossip girl kasi daw makakapag shopping ka naman kapag may pera ka, pero para sakin ang pera di ka mabibigyan ng mga karanasan na hindi mo malilimutan. hindi ko sinsabing waldasin mo ang pera mo pero magisip kang mabuti, uulitin ko ulit PERA o KARANASAN? P.S. hindi ko pa rin alam kung papayagan yung kapatid ko kahit sarili nyang pera yung gagastusin nya hahaha

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento