What is the best words/phrases to hear from your/our special someone?
for me these phrases are the best phrases to hear from someone... "I trust you" and "I love you".
"I trust you" is very important because hearing it from someone very special to you is as important as hearing "I love you" from the same person. Trust is given it is not gained.
well on the other hand the words "I love you" is or should I say MUST be given to a person who deserves it because just like the words "I trust you" love when found, is given. Find the person that you will entrust your love! and may you find her/him.
For the Open Minded
Martes, Mayo 29, 2012
Paglilitis, Pagmamalinis at Pagkainis
Madaming nag-abang, madaming na-buang at marami din ang nalibang... pero ako hindi ako natuwa sa nangyari sa naging paglilitis, sa paraan kung paano nilitis, sa rason kung bakit niitis at kung paano nailitis ang dating Punong Mahistrado ng Korte Suprema na si Renato Corona.
Eto ang mga dahilan kung bakit hindi ko nagustuhan kung anu ang nangyari (hindi ko isinusulat ang mga ito dahil Pro-Corona ako), eto ang mga narealize ko.
1. mas mabilis ang magiging pag-usad ng paglilitis kapag ang nasasakdal o kasangkot ay isang opisyal ng gobyerno. (ok sana yun kaso lang parang unfair din naman yata yun sa mga mahihirap na may mga isinampang kaso) kung tutuusin sabi nga ni Sen. Francis Escudero matagal na nga daw yung 44 na araw ng naging paglilitis sa aso ng Punong Mahistrado.
2. Subjective ang batas na ginawa ng tao (kung iisipin mong mabuti at naintindihan mo yung mga sinabi ng lahat ng mga senador, alam ko wag ka ng magpalusot nakakaantok yun, malalaman mo kung anung sinasabi ko.)
3. Total waste ng air time ang special coverage ng Trial (kaya total waste din ng oras tong pagsusulat ko tungkol dito.)
4. May Constitutional crisis at inconsistencies of law ang Pilipinas (kung kanina sumang-ayon ako sa sinabi ni Sen. Escudero na dapat matapos na agad ang paglilitis at pagtuunan na nila ng pansin ang mga bagay na mas dapat nilang pagtuunan ngayon naman sa sinabi nya na wala daw inconsistencies at hindi daw nagbu-bungguan ang batas sa bansa hindi ako naniniwala.)
5. Nilalait ng mga Pilipino si Lito Lapid dahil bobo daw sya (para sa akin mas bobo yung mga bumoto sa kanya. pero on the other hand IDOL ko si Lito Lapid, bakit? sige nga subukan mong hatiin sa gitna yung bala ng baril tapos patamain mo sa 2 tao! Mahirap yun!)
6. Nagpapakasaya ang ibang mga tao dahil hindi sila mga pulitiko at hindi sila parte ng sistema (nakita ko yung tweet ni Kim Atienza kanina and I quote "I am so happy I am not in politics. sarap ng buhay." tarantado pala sya e kung iisipin nyang mabuti yun lahat ng tao pare ng sistema ng gobyerno dahil bumoto, bumuboto at buboto lahat ng tao. ang di bumoto walang karapatang magreklamo. Ang point ko lang dapat bang magsaya ka dahil hindi ka pare ng isang palpak na sistema? sa palagay mo ba hindi ka maapektuhan ng bulok na sistemang yun? dapat mo bang ikasaya na nasa media ka, sa showbiz, sa industriya ng pagnenegosyo? e puta pare pareho lang yan may kanya kanyang dumi din yan.)
7. Social Media + Politics + Ignorance + Irresponsibility = Failure (sa lahat ng napag tanto ko ngayong araw na to eto ang isa sa pinakamalupit.)
8. CJ CORONA TRIAL is a FCUKING ALIBI! (para sa akin isang malaking kalokohan lang yung ginawa ng Senado sa 44 araw ng paglilitis, kung yun man ang tawag nila sa ginawa nilang yun. Bakit? kasi sa nakita ko parang anu bang magagawa nang pagkakatanggal ni RENATO CORONA sa Korte Suprema bilang Punong Mahistrado? Mababago ba ang sistema? Mawawalan ba ng corrupt? ng manloloko kaya? mga tiwaling opisyal? may magiging pag-unlad kaya? sesegundahan ba naman kaya yan? makukulong ba si Corona? san mapupunta yung $2.4 M ni Corona na pinag-ipunan nya daw kasi daw wala daw silang katulong sa bahay! putang ina. kung gusto ng pagbabago sa sistema isa lang ang nakikita kong solusyon marahil imposible at baka sabihin mo gago din ako pero isipin mong mabuti to... alisin ang lahat ng mga namumuno sa gobyerno simula sa Presidente ng Pilipinas hanggang sa Brgy Chairman a mga konsehal... bumoto ng panibago.)
Marahil ang nabasa mo puro reklamo pero ang puno't dulo ng lahat ng kalokohan at katarantaduhan na nangyayari sa bansa e nagmula pa sa pagkabata ng mga taong gumagawa ng mga ganoong bagay, kung naturuan at nagabayan sila ng tama hanggang sa sila ay lumaki e di sana tama din ang kanilang mga paraan. Kayo ang mag desisyon... lahat ng ito ay pananaw ko hinggil sa aking mga narinig, nakita at naintindihan... pero eto ang iiwanan kong katanungan para sa inyo..... ANO NGA BA ANG KONSEPTO NATING MGA PILIPINO SA "TAMA"?

Biyernes, Mayo 25, 2012
Ang pangarap kong maging isang Rapper, maging Piloto, Pari, at Rockstar
katulad ng mga nauna kong posts dito sa blog na to bigla bigla na lang may mga bagay na papasok sa uak ko na naiisip ko na baa sakaling worth it basahin kaya eto na naman ako nagta type... O sya let's get to the point..
Diba nung mga bata tayo mayroon tayong mga gusto maging, yung mga tipong idol o kumbaga e iniisip natin na gusto nating maging ganun balang araw... tungkol dun sa bagay na yun ang dahilan kung bakit ko naisipan mag-blog... kasi dati nung bata ako gusto kong maging piloto, di ko rin alam kung bakit pero baka dahil yun sa mga nakita kong mga eroplano at mga fighting jets nung field trip namin nung kinder ako... pero ngayon naisip ko na bakit hindi ko itinuloy yun ang bangis kaya na piloto ka, mag dadrive ka ng eroplano (kung driving nga talaga ang tawag nila dun) tapos marami pang magagandang flight attendants (libre chix :P) bangis pa ng uniform...
Tapos nung nag highschool na ako sabay ko naisip na guso kong mag pari at maging rockstar at the same time... kaya yata di ako natuloy sa pagpapari kasi isipin mo yun may pari bang naka suot ng sutana pero kumakanta ng Enter Sandman ng Mettalica, o di kaya e Hard Days Night ng Beatles tapos sumasayaw na parang katulad nina Mick Jagger at Freddie Mercury... baka wala ng sumimba at ituring na satanista yung mga maniniwala sa mga sasabihin mo... bakit ko nga ba gustong mag pari dati, dahil 8 taon akong sakristan! Oo! tama ka 8 taon!!! tapos naging presidente pa ako ng samahan ng mga sakristan sa aming eskwelahan... eh samantalang ngayon hindi maniniwala kahit batang musmos na minsan naging sakristan ako kasi naman sa paraan ng pagsasalita ko talagang malupit.. pang rated 18 kumbaga... tapos kaya ko gustong maging Rockstar kasi yun ang IN... sino ba naman ang ayaw maging IN... yung Rockstar na tipong hinahabol ng mga magagandang babae, tapos wala silang pakialam kahit pagsabay sabayin mo sila matutuwa pa yun. tapos ninais ko din na kumanta at magkaroon ng boses na tulad nila, lalo na yung boses ni Adam Levine ng Maroon 5, Rob Thomas, John Mayer at Bamboo, lahat naman kasi ng mga Pilipino mahilig talaga kumanta... wag kang tatanggi kasi sigurado ako minsan sa buhay mo kahit minsan nag videoke ka sigurado yun! kapag hindi pa, kalahati ng buhay mo nawala!
tapos ginusto ko in maging rapper, katulad ni Eminem, Lil Wayne, Birdman, Dr. Dre, Kanye at Jay-Z isama mo na rin si Andrew E., SALBAKUTA, Blackjack at yung mga kumakanta ng mga walang kwentang kanta (yung mga tipo ng rapper na masabi lang na nag rarap sila)... oo yung mga baggy pants na super low waist.... saktong sakto pa sakin yn kasi maitim ako (walang halong agka racist to, sadyang maitim lang talaga ako at hindi ako kayumanggi, matagal ko ng tanggap yun gago!) tapos yung mga slang, yung mga tipong Yo! Yow! yeah!, yung mga maluluwag na damit, yung mga Jersey nila na pang tatay tapos sinusuot nila kahit di naman kanila, yung mga necklace na mas mabigat pa yata sa mga katawan nila kasi kalimitan sa mga rapper e payat (pwera na lang kay Dr. Dre, Nelly at LL Cool J) yung mga saklob nila na "snapback" pala yung tawag at hindi pala basta "cap" at yung kakayahan nila bilang mga tunay na "artists" yung passion at yung history ng hip-hop yun ang hinangaan ko sa kanila... madalas nga lang nami-misinterpret...
bakit ko nga ba isinulat to? para ba ma inspire ka? para mag retrospect ka at i check ang sarili mo kung natupad mo ang mga pangarap mo nung bata ka? para ba maging Rapper, Pari, Piloto at Rockstar ka? ikaw bahala ka mag-isip kung anung dahilan... sabi nga nila bawal MAGING TANGA sa panahon ngayon... pero basta ang alam ko kaya ko isinulat to e dahil nakikinig ako ng kanta ni Tyga at Chris Brown na ang title e Snapbacks Back at dahil dun gusto ko ng Snapback cap! yun lang yun....
Huwebes, Mayo 24, 2012
Si Gaga at ang mga gagong tao, Corona at ang koronang hindi napunta kay Jessica
Etong linggong to ay napaka ng mga nangyari at narinig ko sa balita.... sigurado ako kahit ikaw napamura at nabwiset sa mga naganap.... eto ang tingin ko at masasabi sa mga nangyari nitong mga nagdaang araw sa bansang Pilipinas....
Una, tungkol dun sa concert ni Lady Gaga (para mga hindi nakakaalam siya yung singer na 5-time Grammy award winner at hindi naman siguro sya satanista tulad ng mga sinsabi ng mga Pari na wala na yatang maiturong pulitiko o demonyo kaya sya na lang napagdiskitahan at dun sa mga taong wala yatang pambili ng icket kaya nagprotesta gusto makalibreng nuod ng concert) for God's sake, pinalaki ako ng mga magulang ko na Katoliko at sumisimba naman ako tuwing linggo pero tang ina naman kalokohan na ipasok mo ang matigas at baluktot mong paniniwala sa relihiyon sa konsepto ng arts. Napakalaki ng pagkakaiba nun, pati mga pulitiko wala na rin yatang maisip na batas kaya yung concet na lang ni Lady Gaga ang ipapatigil nila para maging matunog sila sa tao at iboto sila ng mga bobong botante sa susunod na taon. (ewan ko lang kung iboto sila ng mga fans ni Lady Gaga sa gagawin nila). para lang klaro hindi ako bumili ng ticket para makapanuod ako ng concert, hindi naman ako "little monster" at lalong hindi rin ako atheist o satanista kasi uulitin katoliko ako at naniniwala ako sa Diyos pero hindi sa mga sinasabi ng mga kupal na nagmamarunong kung anu ang maka Diyos at alin ang hindi at ang kabastusan, kabaktutan at kademonyohan nasa isip lang ng tao yan... Medyo heretic pero wala akong pakialam kasi yun ang ako... kaya di umaasenso ang Pilipinas e kasi maraming naiinggit, kapag nasa taas ka pipilitin ang hilahin pababa at kapag nasa baba ka naman aapakan ka pa... e ba nung kinanta ni Maria Aragon yung Born This Way ni Lady Gaga natuwa kayo? e kayo pala ang mga racist e...
Pangalawa, yung Impeachment Trial kay Chief Justice Reynato Corona... Isang napakahabang privilege speech ang ginawa nya... nakakaantok, predictable ang mga sinabi at sigurado ako ganun din ang magiging ending, PREDICTABLE din... pucha sa hinaba-haba ng mga pinagsasabi nya e lahat yun bullshit lang tapos nagbigay sya ng waiver na pumapayag sya na buksan yung lahat ng bank accounts nya pero dapat bubuksan din yung mga bank accounts ng lahat ng senador na pipirma dun? sira ulo ba sya? sa palagay ba nya papayag yung mga yun e siguradong magkakalabasan na sila ng baho sa senado.... sa kabilang banda ok din yun para magkaroon na rin ng transparency sa pagitan ng mga pulitiko at ng mga tao dahil yun din naman ang gusto nila.... tapos dumale pa sya ng isang walk-out anak ng puta naman o! sa palagay mo ba kakagatin ng tao yang mga padale mong ganyan? ginaya mo pa si gretchen barretto di na uubra yan... may isa lang akong tanong sa mga senador "pagkatapos ba nyang trial na yan at napatunayan na may 10 million dollars si CJ Corona san mapupunta yung pera? sa bulsa nyo o sa kaban ng bayan na papakinabangan ng mga tao? tsaka makukulong ba si CJ Corona? at alam nyo bang dahil trending ang word na Corona sa Twitter e nagkaroon ng lbreng advertisement at promotion ang beer na Corona...
Ikatlo, ang pagkatalo ni Jessica Sanchez sa American Idol.... ang resulta, kaboom! 90 milyong bitter na mga Pilipino. ang tanong ko naman bumoto ka ba? para lang yang eleksyon ng mga pulitiko yung mga tao nagagalit kapag corrupt yung nanalo sa eleksyon ang tanung ko naman "bakit bumoto ka ba?" kaya nga AMERICAN IDOL yung title nung contest e malamang Amerikano din ang mananalo... pa contest mo ba yun? e di gumawa ka ng FILIPINO IDOL tapos papanalunin mo mga purong pilipino lang... yan kasi ang hirap sa ating mga Pilipino e tuwang tuwa tayo masyado sa kultura ng mga banyaga pati tuloy yung sarili nating pagkatao e nakakalimutan na natin... ang malma pa dun baka wala talaga tayong sariling kultura at kaisipan, lahat foreign sa atin pati sarili natin foreign na rin... tapos magagalit ka kasi hindi nanalo si Jessica? mag-isip ka muna at maging masaya ka na lang para sa kanya dahil sigurado ako sisikat din dun si Jessica Sanchez kahit di sya yung nanalo...
Anung point ng post ko na to? isipin mo tang ina may utak ka naman siguro....
Mga etiketa:
Corona,
corruption,
failure,
Gaga,
impeachment,
life,
racism,
realizations,
success
Pera o Karanasan, mamili ka hindi kasama yung "o" sa pagpipilian ha
Isang gabi, naguusap ang kapatid kong bunso at ang nanay ko. Biglang nagtanong ang kapatid ko kung pwede daw ba syang sumama sa mga kaibigan nya papunta sa isang sikat na theme park...
Nanay ko: wala akong pera, (well di naman sa sinisiraan ko ang nanay ko pero ganyan naman ang usual na sagot ng nanay ko kapag magpapaalam kami sa kanya)
Bunso: Anla....
Nanay ko: aba diba may pera ka naman?! (totoo naman kasi na may sariling pera yung kapatid ko, medyo kuripot at mautak lang talaga asi yun pagdating sa mga naipon nyang pera)
Bunso: e nagiipon ako e... may gusto akong bilihin, di na lang ako sasama)
Nanay ko: (medyo natuwa, na medyo nalungkot kasi di na naman nya naibigay yung gusto ng kapatid ko) tapos ayun umepal ako.....
Ako: bunso, kung gusto mong sumama dun, sumama ka papayagan ka naman nina nanay at tatay e yun nga lang gagastusin mo yung pera mo.
Bunso: anla ayoko nga kasi may gusto akong bilihin.
Ako: e anu bang mas gusto mo? makapunta ka dun sa theme park na yun o mag-ipon ka na lang ng mag-ipon ng pera? yang pera nauubos yan, di mo rin naman yan pedeng sakyan tulad ng mga rides dun sa theme park at lalong hindi ka rin bibigyan nyan ng mga memories na hindi mo malilimutan...
Nanay ko: (napaisip, namangha siguro na naiisip ko din pala yung mga bagay na yun at nagulat kasi akala niya wala na akong alam kung di gaguhin at asarin yung bunso kong kapatid, natuwa kasi naging kuya ako sa pagkakataong yun)
Bunso: (napaisip kung sasama ba sya o hindi)

Marahil iniisip mo kung anung point ng post na to pero isa lang ang iiwan kong tanung sa iyo, ikaw ba anung mas gusto mo PERA? o KARANASAN? this goes to show that money maybe can buy you happiness kung yun ang sabi ni blair ng gossip girl kasi daw makakapag shopping ka naman kapag may pera ka, pero para sakin ang pera di ka mabibigyan ng mga karanasan na hindi mo malilimutan. hindi ko sinsabing waldasin mo ang pera mo pero magisip kang mabuti, uulitin ko ulit PERA o KARANASAN? P.S. hindi ko pa rin alam kung papayagan yung kapatid ko kahit sarili nyang pera yung gagastusin nya hahaha
Mga etiketa:
experience,
life,
maturity,
memories,
money,
realizations
The Vow, taught me how to love
This is me thinking aloud (forgive me for being sentimental and emotional and this is a VERY long post *emphasis on very, it just so happens that the movie remind me of things that I somewhat did and things that I also want and willing to do for the greatest feeling on earth): I just finished watching the movie "The Vow" and I must say that I am a lose for not being able to watch it on the cinemas, because its really good. There's this line that struck me at the end of the movie that was thrown by Leo and it goes like this "I just want you to be happy." I know that those words were used in many movies and probably all of the people who fell in love also used, if not heard those words. But hearing it all over again for the nth time, I just came to realized that I also used those words to convince myself that I am really happy for some person but not entirely and sincerely. We used those words just to convince ourselves that I, we are ok but in fact we are not. That by using those words we try to let go, we try to set them free, we try to be strong and we try to show that we really love them. After the movie I asked myself "Can I say those words for a person to be really happy? sincerely and from my hear and not just to show that I can move on? or just to show that I am ok even if I am not? hopefully I said and will say those words because I really mean it and because I do really want her to be happy.
Mga etiketa:
letting go,
love,
realizations,
The Vow
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)